Minsan lang to...
Pramis ngayon lang...
Hayaan nyo na po ako...
Hahaha
Natatawa ako sa sarili ko ngayong araw, kilala ko naman ang sarili ko, hindi naman ako yung tipo ng lalaki na nagkakagusto o naaattract basta basta sa isang tao. Pero ano yung kanina lang, ano yun bigla bigla nalang na hindi ko inaasahan? Nakita ko sya, nasilayan sya ng aking malabong mga mata. Dumating sya, ah hindi ako ang dumating at habang papalapit ako ay unti-unti kong naaaninag ang kagandahan ng kanyang mukha. Hindi ko mapigilan tumingin sayo. Hindi ko makontrol na hindi lumingon kung saan ka nakapuwesto. Hindi ko maitago sa sarili ko ang pagnanais na sana tinititigan mo rin ako. *pakensheet* Ano ba itong nangyayari sa akin. Alam ko dati na kitang hinahangaan at walang kakaiba doon. Pero ano ba talaga ang hiwagang dala mo kanina lang? Hindi ko mawari basta masaya ako kasabay ng pag-asenso ng Thesis ko. Oh ikaw na, ikaw na talaga. Hahayaan kitang magpaikot ikot sa aking isipan, magpagulong gulong ang larawan ng iyong mukha sa aking ulong hibang, at magnasang pumasok hangang sa aking panaginip. Hay nakakaasar lang ng walang dahilan pero salamat parin dahil sa paraan mo nadagdagan ng kulay ang matamlay na puso ko. Di ko naman sinasabi na mahal na kita, sadyang kakaiba lang talaga ang hatid mong charisma. Ang appeal mo *shit* kahit na ibang tao di ka pansin, mas okay yun para ako lang ang may alam at nakadiskubre ng liwanag na iyong taglay.
I'm a flirt *imma flirt* he is a flirt *nico was a flirt* can't help staring at someone's face, shame on me but i guess no one noticed, LOL i really did and atleast i'm honest. WTH i'm not so over with the face, it's freakin nice and gorgeous despite your haggardness. *arrrggh* can't resist beybi to stare at you, why can't i erase your face on my mind, it keeps me smiling dear, your loving eyes, your sexy nose, & your freakin lips, they take my breath away. But i guess you are just a dream.
Kung magkataon muli na magkasalubong man ang aming mga mata, sana mapansin ang kislap na taglay nito dala ng paghanga kong lubos sakanya. :DDD
Reading
Add Comment
Hindi na kita maalis sa aking isipan, at ngayon pati sa aking blog ika'y umi-extra, ang kulit mo, kung makapang-adik ka wagas, nakakabaliw para kang bubble gum kung dumikit ang hirap tanggalin. Hay naku praning na ba ako? Okay lang, salamat parin kung alam mo lang. SALAMAT SALAMAT SALAMAT ika'y napadaan. Huwag ka ng babalik pa baka sa sunod mong pagdaan tisudin na kita para siguradong sa akin ka talaga babagsak.
Salamat din po...
Hinayaan nyo ang kabaliwan ko...
Alam kong panandalian lang naman ito...
MASAYA lang ako! n_n
☺ sino ni?
juan nicolas
lab
paeng
tawa lang
wala lang
0 comments:
Post a Comment